Sabado, Marso 4, 2017

Si Pilato
(Kabanata IX)





Boud:
Sa kabanatang ito ay; kumalat ang mga balitang ukol sa gayong kasawian, sa panahong iyon ay merong mga taong naawa ngunit meron ring mga taong wala lamang kaalam-alam.Dito rin natin matutuklasan and pagkatalo ni Kabesang Tales at nagpaalipin si Juli kay Hermana Penchang, at napipi ng pighati si Tatang Selo.sa isipan ng tagapangawisa ng mga prayle ay wala siyang kasalanan at tinupad lang nya ang mg autos ng mga nasa itaas, ngunit, hindi hinayaan ni Padre Clemente na lokohin siya ni Kabesang Tales. Nalaman din ni Hermana Penchang  ang mga kasawian ni Juli at ang kanyang tingin sa dalaga ay isang maksalanan na babae. Nagpapasalamat din si Hermana Penchang sa pagdakip ni Kabesang Tales sa mga guradia civil para matubos na si Juli sa kasalanan at maturuang magdasal. Sa kabanatang ito ay nagdiwang din ang mga prayle dahil sa kanilang magandang kapalaran.


Tauhan:
·     Tata Selo
·     Tenyente ng Guardia Civil
·     Kabesang Tales
·     Padre Clemente
·     Hermana Penchang
·     Juli
·     Basilio

Suliranin sa Kabanata
·     Hindi pagsasabi ng totoo.
·     Paglalait sa ibang mga relihiyon.
·     Hindi pagrespeto ng ibang relihiyon.
·     Pagbigay ng sobrang kahirapan sa ibang tao.
·     Pagbigay ng hindi katotohanang detalye na makakalagay ng ibang tao sa kapahamakan.


Gintong Aral
·     Dapat maging maunawain sa ibang tao; kilala mo man o hindi.
·     Bigyan respeto ang ibang mga relihiyon
·     Di dapat laitin ang isang tao dahil sa kanilang mga kasalanan noun.Bigyan natin ng pagkakataong magbago ang isang tao

· Ang katutuhan lamang ang magbibigay sa atin ng maganda at mapayapang buhay.